Spirit Filled Bridal Shower

Salamat sa surprise bridal shower mga sisters! Pinasaya nyo ako, pina-taba ang puso ng inyong PAGPAPAGAL at PAGMAMAHAL, pina-lakas ng inyong mga PANALANGIN at syempre pina-talino sa GODLY ADVICES and WISDOM + real experiences and testimonies, lessons in your own marriage life! You are such a blessings!

Indeed it was a Spirit filled Bridal Shower! Truly that in the presence of the Lord, there is fullness of JOY!

“..whatever you did for one of the least of these brothers and sisters of mine, you did for me.” [ Matthew 25:40 ] Ang Panginoon na po ang mag balik ng mga pag papala sa inyo!

Sa mga mag-aasawa, may asawa at sa mga gustong mag asawa share ko lang yung ILAN sa mga natutunan ko;

❣️Make God The Priority and Serve HIM together •

( Matthew 6:33 “But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.)

Kapag pagtuloy ang paglapit nyo pareho sa Panginoon, patuloy din ang pag lalim/tibay ng pagmamahalan at paglapit nyo sa bawat isa!

Kung ang pangunahing adhikain nyo ay malugod at mapag-lingkuran ang Panginoon, walang kahit anung bagay ang makakapag-hiwalay sa inyo. Hindi kahit ang pag kakaiba nyo o ang mga ugali, gusto at ayaw nyo..Hindi kahit ang pangyayaro o pagkakataon.

Dahil una sa inyo ay ang malugod Siya, madali ang talikuran at kalimutan ang mga personal na pangangailangan at pansariling kagustuhan.

At dahil inuuna nyo Sya, makakaasa kayo sa pag papala na nagmumula sa Kanya.

❣️Fight The Battle On Your Knees •

(1 John 4:19 “we love because He first love us.)

Darating yung time na meron kayong hindi pag kakasunduan, pag aawayan..you will fight and hate each other to the point na parang ang dali na lang sumuko na parang nawala na yung pag mamahal na meron ka.

Kapag dumating yun, bumalik ka sa unang minahal mo at unang nag mamahal sayo, Ang Panginoon.

Lumohod ka, umiyak at magpayakap sa Kanya.

Kapag naramdaman mo ang yakap Nya, imposibleng hindi mabago ang puso mo.

Kung paano ka Nya pinatawad, ganun ka din mag papatawad,

kung gaano Sya hindi sumuko sayo, ganun ka din dapat hindi sumuko.

At magsisimula ka ng makita ulet ang mga magagandang bagay na meron sya, dahil kung paano ka tinitingnan ng Panginoon, ganon mo na din sya titingnan.

Kaya kahit yung isip mo gusto pang magalit, pero dahil nabago na ang puso mo at napuno na ng pagmamahal na nagmula sa Kanya, wala kang magagawa kundi ibahagi ito sa iba.

❣️Gentle, Quiet and Submissive Spirit •

(1 Peter 3:4 “but let your adorning be the hidden person of the heart with the imperishable beauty of a gentle and quiet spirit, which in God’s sight is very precious.)

🗣Testimony shared:

Yung unang dalawang taon namin mag asawa ang pinaka grabe! Akala ko noon ang pinag aawayan lang ng mag asawa ng matindi ay yung kapag may “third-party” hindi pala, kahit ang paghuhugas ng pinggan o simpleng bagay nauuwi sa layasan.

Hindi ako nag papatalo, hindi din sya nag papatalo. So walang nanalo! 😅

Buti na lang we are blessed with so many godly people na puede namin takbuhan at lapitan para hingan ng advice.

Yung 1 Timothy 2: 11-15 ang subrang nangusap sa akin. Merong time na inis na inis at galit ako sa asawa ko, pero napagod na din akong makipag away kaya nahiga na lang ako at binuksan ko na lng yung audio bible ko, at sakto yan yung verse na narinig ko :

“A woman should learn in quietness and full submission”.

Parang hindi ko nagustuhan yung naririnig ko kaya nilipat ko pero pangalawa at pangatlong pagkakataon na sinubukan kong ilipat parehas lang ang naririnig ko.

Isang araw, nag away na naman kami to the point na aalis na sya, nakita ko na umalis na tlga sya. Mixed emotions, gusto kong magalit, magsalita habulin at awayin…

Pero naalala ko 1 Timothy 2 kaya instead na ubusin ko yung lakas ko sa pamikipag away at malunod sa sama ng loob, minabuti ko na tumahimik na lng kaya pumasuk ako sa room, kinuha ang gitara at kumanta, nagpuri at umiyak sa Panginoon.

Pag labas ko, nakita ko andun na yung asawa ko..

Simula noon, natutunan ko iba ang nagagawa ng asawa na nagpapakumbaba at marunong umasa sa Panginoon.

May mga pinag tatalunan pa din kami hanggang ngayon, pero habang lalo akong natutong mag submit at i-control ang aking bigbig,

habang patuloy akong nagpapaturo at nagpapabago sa Panginoon parang himalang unti-unti ding nababago ang asawa ko,

without any effort sa part ko na baguhin sya.

Madami na ding pagkakataon na alam ko ako ang may mali o pagkukulang, pero nakita ko na natuto na ding syang mag pakumbaba at mag paraya. To God be the Glory!

May 2nd part pa po ito. More about godly parenting, finances, testimonies at madami pa. soon to publish! here ↙️

https://gracefully-broken.blog/

Or follow my fb page ⤵️

https://www.facebook.com/iWriteForChrist.ph/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.