2 Masamang Bagay na Ginagawa sayo ng social media na hindi mo man lang namamalayan…

Hindi ko masasabi na, walang magandang dulot ang social media sa atin, sa totoo lang madami naman, kagaya na lang ng pag babasa mo nito. Sigurado ako isa sa mga social accounts mo ang dahilan kung bakit nababasa mo ito ngayon. Kaya, Hello! Kung first timer ka, welcome to my blog salamat at napadaan ka! ☺️ Basa ka lang, muka lang walang sense sa umpisa pero promise, hindi ko sasayangin ang oras mo. πŸ’πŸ˜‰

Umpisahan na natin.

2 Bagay na Ginagawa Sayo ng SMs na hindi mo namamalayan :

1. Tinuturuan ka nitong maging mayabang o proud.

Sa FB na lang, siguro ang average friend ng isang fb user ay nasa mga 800-1000 plus friends or depende pa kung gaano ka active at gaano ka ka-friendly ( yung tipong lahat ng common friends of common friends mo eh pinadalhan mo na ng friend request.) ✌️

Sa dami ng tao na alam mong makakakita ng post mo, pumapasuk na din sa isip mo yung dami ng likes, comments at share na puwede mong makuha sa bawat post mo. Walang masama! Sa pagbibigay ng likes maganda nga na generous tayo dyan, basta nakaka blessed nman at maganda naman talaga, minsan nga kahit yung DP ng kaibigan mong nag message pa sayo para i like lang, i lalike ko na din yan, eh kung yun ang magpapasaya sa kanya eh, ipagdadamot paba!? πŸ˜…

Kaya lang ang masama, eh yung nag po-post ka na lang para ipakita at ipagyabang ang mga bagay na meron ka. Madalas mga bago at mamahaling gamit, pero puwede ding mga achievements, mga bakasyon, big events, mga relasyon at kahit nga katawan at kagandahan. Kahit anu puedeng i post.

Again, walang masama kung I celebrate natin ang mga achievents, maging mga relasyon (basta tamang relasyon) at mga masasaya at magagandang bagay na natatanggap natin, pero nagiging masama kung magiging PRIDE OF LIFE na natin ito. Kung dito na lang tayo sumasaya at dito na lang natin nakikita ang value natin bilang isang tao.

Tama na maging masaya tayo sa mga bagay na meron tayo pero hindi kailangang ipag mayabang. Hindi kailangang maging super duper overly proud tayo sa sarili natin, dahil ang lahat naman ng meron tayo dahil lang sa biyaya ng Diyos. Puwede mong sabihin na pinaghirapan at pinagsikapan mo yan, pero sino ba ang nagbigay ng lakas, buhay, talino at maging kagandahang taglay mo? Ang Diyos ang nagbibigay at Siya din ay may kakayahang bumawi nito. Binigay N’ya ang mga magagandang bagay na yan for a purpose at hindi kasali dun ang para gawing kang mayabang.

2. Tinuturuan ka nitong maging malungkot at mainggit.

Yes, madaming mga bagay na masaya sa social media.. nakaka-aliw at nakaka-tuwa. Sa subrang enjoy nga natin, hindi na natin namalayan ilang oras na pala tayong babad.πŸ˜²πŸ™€

Pero, kasing dami ng nakaka-aliw duon ay ang dami ng mga bagay na puwedeng mag palungkot din sayo. Sige sa fb at IG na lang ulet tayo, kung meron kang more than 1000 friends at followers at half na lang sa kanila ay active na nag po-post everyday, sigurado makakakita at makaka-kita ka ng mga tao na mas higit sayo, mas maganda, mas magaling, mas mayaman, mas matalino…at mga bagay na wala ka pa..kotse, bahay, bf/GF, asawa, anak mas guwapong asawa, mas sweet na asawa, mas magaling na anak, mas mabait, mas matalino…. at madami pang mas!

At malaki ang chance, kung hindi tayo guarded nanaisin din natin ang mga magagandang bagay na nakikita natin sa kanila. Walang masama, pero ang masama eh yung malungkot tayo dahil wala tayo ng mga bagay na meron sila, at ang mas masama pa, eh yung, hindi mo na na appreciate yung mga bagay na meron ka dahil lang sa pag-nanais mo sa mga bagay na meron sila na wala ka.

For example na lang.

Example1. Nag post yung kaibigan mo ng picture: isang mamahaling regalo galing sa bf nya at with flowers and sweet Notes pa! Eh nagkataon yung bf mo, hindi expressive or iba ang Love language or iba lang mag express.

Example2. Nag post yung kumare mo na nag TOP ang anak nya sa school, eh nagktaon ang anak mo ay medyo nasa average lang pero bawing bawi naman sa bait at sa ibang bagay..

Example3. Nagpost yung kaibigan mong may balikbayang Nanay, at pagtiningnan mo lahat ng bagay halos na sa kanya na..pero si Nanay mo na hindi man nabibigay ang mga materyal na bagay ay andyan naman lagi kasama mo..

Example4. Yung batchmate mo nung Highschool na single pa, panay ang post ng mga travel adventure at ikaw hindi mo na magawa yun dahil may magagandang anak kana at mabuting asawa..

So anu ang point ko? Sa dami ng pwede nating makita sa fb at iba pang social media, malaki ang chance, na ma i kumpara natin ang sarili natin sa iba.

At Dalawa lang ang pwedeng maging dulot kapag nagsimula tayong magkumpara;

una puwede kang maging mayabang dahil makikita mo na mas meron ka kesa sa iba at pangalawa puwede kang maging malungkot or even depress dahil less ka kesa sa iba.

So hindi naba tayo gagamit ng social medias?

Hindi naman. Pero sana maging maingat lang tayo sa pag gamit at maging sensitibo sa mga bagay na pinopost natin.

Maging Maingat. I guard natin ang ating mga puso at mga mata, turuan natin ang mga sarili natin na maging masaya, ma inspire sa mga bagay na meron ang iba and at the same time, i appreciate at pasalamatan kung anu yung mga bagay na meron tayo. Bagay man yan, relasyon o pamilya o mahahalagang tao sa ating buhay. Maging maingat na wag makalimot sa totoong pagkatao natin, sa totoong estado ng buhay na meron tayo at hindi piliting maging iba dahil lang sa impluwensya nila.

Maging Sensitibo. Na sa bawat gagawing nating click at post maisip muna natin ang iba bago ang sarili, tanungin ang sarili kung makaka inspire/bless, makakalago, makakatulong o magiging dahilan lang ba eto ng pag kalungkot ng isang taong alam mong makaka-kita at makakabasa nito.

Suriing mabuti ang motibo ng puso kung bakit gagawin ang isang bagay. ☝🏻

Philippians 2:3 Don’t be selfish; don’t try to impress others. Be humble, thinking others as better than yourselves.

Isang pangwakas na paalala:

Ang social media ay isang napakaliit lang na bahagi ng buhay ng isang tao.

Kaya, hindi tama na mag buo tayo ng isang opinyon sa buhay ng isa, base lang sa nakikita at nababasa natin dito.

P.S kung medyo natamaan ka, Gusto kong malaman mo na mas nauna na akong tinamaan! βœŒοΈπŸ™ˆπŸ€― kung friends tayo sa fb o ig madami sa post ko doon ay hindi din na pag isipan at kadalasan ay out of selfish ambition. Pero mabuti ang Panginoon, ang gusto N’ya ay maging masaya tayo, TUNAY NA MASAYA na tanging sa Kanya lamang masusumpungan. Authentic ang happiness na binibigay ni Lord. Kaya naman pinag pala ang tinuturuan at ang nagpapaturo.

P.S.PS. Naisip ko, ngayon lang.. why not write about happiness? “authentic happiness”. Basahin n’yo din huh. Salamat!

God bless!!😘

3 thoughts on “2 Masamang Bagay na Ginagawa sayo ng social media na hindi mo man lang namamalayan…

  1. Tama, maging responsable dapat tayo sa paggamit ng social media. Ika nga nila, lahat ng sobra ay masama. Kaya in moderation lang dapat at maging wais sa mga bagay na pino-post natin.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.