Bago Kami Tuluyang Makalimot

Para sa mga MAGULANG na ni minsa’y hindi nakalimot..,

Bago tuluyang mawala ang inyong pandinig, hayaan nyo pong marinig, mula sa aming bibig,
pasasalamat sa inyong walang katumbas at humpay na pagibig.

Bago tuluyang lumabo ang inyong paningin, muling silayan at sulyapan
ngiti sa aming mukha na may pananabik,
na ang kalinga at aruga na aming nakamit, hindi man mapantayan, ay maibalik,
kahit sa ilang saglit.

Bago tuluyang maubos ang inyong lakas at tuluyan na ang katawa’y mamanhid,
Minsan pa ay iparanas ang higpit at init ng balik na yakap at halik,
na sa inyo unang nahanap at nakamit.

Sa aming pagkalimot, na kayo pala’y sa amin ni minsa’y hindi nakalimot..

Simula noong araw na kami ay maipanganak, kahit pa na nga hanggang ngayon na may sarili na ding mga anak.

Sa aming pag kalimot, na kayo’y walang ibang hangad, kundi ang tagumpay, na sa aming buhay ay masagad.

Sa aming pag kalimot na kayo man ay may damdaming nasasaktan at napapagud din.

Sa aming pagkalimot na kayo ay tao pa din…

May limitasyon, kahinaan, at mga pinagdaanan din,

Mga sariling pangangailangan na kadalasan ay pinipili nyong kalimutan para lamang sa aming kapakanan.

Sa aming pagkalimot na ang ibinigay nyo ay ang buong buong lakas at buhay nyo na,

at pag katapos ng lahat, ang lahat para sa amin ay kulang pa at hindi pa din sapat.

Sa aming pagkalimot na ang lahat ng sakripisyo, pagtitiis, pagod at hirap na naranasan nyo, kami ang nasa isip nyo..

Bago po kami tuluyang makalimot at ang oras ay tuluyang maubos, nais po naming sabihing;

…Minamahal po kayo,. Salamat sa lahat.. at Patawad sa madalas naming pagkalimot.

– Anak nyo na madalas makalimot..

PS. [READERS] Sorry na sa subrang lalim na tagalog subrang lalim din ng hugot eh..miss ko sila promise subra! 😢

PS.PS. sa mga anak, and for sure lahat naman tayo anak.. if kasama nyo ang parents nyo, wag kayong mag sayang ng oras to thank them and make them feel that you appreciates and love them. Para masulit naman ang mga hirap nila. And if malayo kayo sa knila kagaya ko, wag silang kalimutan..☝️Tandaan, hindi unlimited ang time nila dito at time mo din! Kaya habang puede pa, laging piliing pasayahin sila.

PS.PS.PS. Let me share to you my
LifePriciple No.05!

“Ang Pag galang sa Magulang ay Nakakahaba ng Buhay, Hindi lang Basta Mahabang Buhay, kundi Mahaba at Mapag-palang Buhay”

“Honor your father and mother, [which is the first commandment with promise]: that it may be well with you and you may live long on the earth.” – Ephesians 6:2-3

☺☺☺

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.