Yung Buhay Mo Na Akala Mo Patapon Na May Silbi Pa Pala.

Para lamang daw tayong isang kahoy na nasusunog sa apoy, pero hinango mula sa nagliliyab na init nito.

(Read: Zechariah 3:1-5)

Kagaya nga ng isang kahoy ang buhay ng tao sa mundo. Kapag natapos na ang silbi nito, ang tanging puedeng gawin na lang ay ang matapon at masama sa apoy.

Maaring isang magandang pinutaan ka ngaun, magarbong lamesa o upuang gawa sa matibay na punong kahoy. Pero darating ang katapusan, ang panahon na ang pakinabang at gamit mo noon, matatapos at mawawalan ng saysay sa mundong ginagalawan mo.

Sabi nga sa book of Ecclesiastes;

“All the things that are done under the sun; all of them are meaningless..a chasing after the wind.”

“Everything is meaningless, All go to the same place; all come from dust and to dust all return.”

Iisa ang patutunguhan, KAMATAYAN..

Walang katuturan ang lahat sa mundo, walang permanente, lahat nasisira lahat nababago, walang sigurado…

Ang yaman, kasikatan at kagandahan..lahat naglalaho..

Lahat natatapos..

Kahit ang pagiging Tatay mo o ang pagiging Nanay mo, ang pagiging asawa mo o ang pagiging anak mo. Kahit sinu o anu kapa dito sa mundo lahat may takdang katapusan.

Ngunit mabuti ang Dyos. Sa pagpili at pagtawag Nya, bagong buhay at pagasa ang ibinibigay sayo.

Gusto nyang ipaalala sayo na hindi ka nabuhay para mag exist lang, may purpose ka. At ang purpose na yun, eternal. Magunaw man ang mundo, matapos man ang oras mo, isang bagay ang mapang hahawakan mo.

1John5:16-17 “For everything in the world—the lust of the flesh, the lust of the eyes, and the pride of life—comes not from the Father but from the world. The world and its desires pass away, but whoever does the will of God lives forever.

Kaya kung mabubuhay ka, wag mong i-ayon sa dikta ng mundo. Mabuhay ka para sa Dyos, hanapin mo kung anu ang pagtawag ng Panginoon sa buhay mo. Salita Nya ang gawing basehan ng pamunuhay mo at hindi ang boses ng mundo.

Kung Nanay ka, maging Nanay ka para sa Dyos. Maging Tatay ka para sa Dyos..kung magiging asawa ka, gawin mo para sa Dyos,

Gawin mo ang lahat ng bagay dito sa mundo para sa Dyos..

Sapagkat duon lamang magkakaroon ng tunay na kabuluhan ang buhay mo, hindi sa mga bagay na dinidikta at kayang ibigay ng mundo..

Sa Kanya lamang nagmumula ang tunay na KAGALAKAN, KAPANATAGAN at KAKONTENTOHAN sa buhay. Na kahit kailan, hindi kayang ibigay ng mundo.

Jeremiah 17: 7-8
But blessed are those who trust in theLord and have made the Lord their hope and confidence. They are like trees planted along a riverbank, with roots that reach deep into the water.
Such trees are not bothered by the heat or worried by long months of drought.
Their leaves stay green, and they never stop producing fruit.

Kung naniniwala ka, na sa Dyos nang galing ang buhay mo…kaninong mga kamay mo ipagkakatiwala ito?

Hindi pa huli ang lahat,.

Kapag ang Panginoon ang tumawag sayo, hindi na mahalaga kung anung nakaraan mo. Sinung nakasama mo o anu man ang pinagdaanan mo.

Madilim man ang umpisa mo, masama man ang nakaraan mo, kung hahayaan mong si Jesus ang mamuhay sa puso at maghari sa buhay mo, tiyak na maganda ang ngaun at ang bukas mo.

One thought on “Yung Buhay Mo Na Akala Mo Patapon Na May Silbi Pa Pala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.