“Hindi Lahat ng Gusto ng Puso ay Tama.”

textgram_15326164678124253032484482286.png

Jeremiah 17:9 The heart is decetitful above all things and beyond cure. Who can understand it?

[ Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam? ]

Ang puso ay dapat na ginagabayan at tinuturuan, HINDI ito laging sinusundan. Dahil hindi lahat ng gusto nito ay tama, kadalasan gusto lang nito kung anu ang gusto nito at walang paki-alam kung anu ang tama. Mapandaya at makasarili ito.

Kahit si Selena Gomez nag aagree sa kanta nya na; “Save your advice ’cause I won’t hear, You might be right but I don’t care, There’s a million reasons why I should give you up. But the heart wants what it wants.”

The heart wants what it wants. Gusto lng ng puso ang gusto nya!

Minsan alam naman na natin kung anu yung tama pero hindi natin magawa. At kung anu yung mga bagay na dapat hindi ginagawa, ayun ang ginagawa.

Kasi sabi ng puso….

“It feels so right! it feels so good”

Kapag pakiramdam mo na kasi ang nagsasalita bumibigay kana. Dalang dala ka na ng puso mo. Kaya lahat na lang ng sabihin nito sinusunod mo. Kaya bawat maramdaman mo akala mo yun na yung tama.

Kapag ba sinabihan kang feeling maganda ka, ibig sabihin ba nun maganda ka na talaga? Masakit..divah!? Masakit kasi yung salitang “feeling” lang. Kaya dapat ang feelings may validation din.

Oh sample: kapag sinabihan ka ng iba na panget ka, pero feeling mo naman maganda ka.

So sinu ng nagsasabi sa inyo ng totoo?

Kung pakiramdam mo tamang tama ka at pakiramdam nya ay tamang tama sya. Sinu talagang tama? Mahirap diba?

Eto ang katotohanan: MAGANDA KA. Hindi lang dahil sa naramdaman mo, hindi lang dahil sa sinabi ko o sinasabi ng iba. Kundi dahil dito sa katotohanang ito;

I will give thanks to You, for I am fearfully and wonderfully made; Wonderful are Your works, And my soul knows it very well. Psalms 139 :14

Sabi ni Lord, hindi ka lang maganda pero wonderful kapa kasi ginawa ka Nya. Sana yan paniwalaan mo. Kasi si Lord, hindi kagaya natin. Hindi Sya marunong magsinungaling.

Kaya wag tayong mag papadala sa puso at sa pakiramdam lang. Ang kailangan natin ay ang Katotohanan. Katotohanan na nagmumula lamang sa Kanyang Salita.

At kung may hugot ka, wag kang humugot sa pakiramdam mo. Humugot ka sa Salita ng Panginoon. Kung may desisyon kang kailangang gawin, wag mong i-base sa nararamdaman mo lamang, sa sinasabi ng iba o sa takbo ng mundo.

Dahil kung sa mga bagay na yun lang tayo aasa at huhugot, sigurado bagsak natin ay sa kapahamakan.

Madami ng relasyong nasira, pamilya na nawasak, lumubog sa pagkakautang, pangarap na hindi nakuha dahil lang sa mga maling desisyon na nakabase hindi sa Katotohanan.

Gusto mo ng itama ang puso mo? May gusto kang baguhin sa sarili mo? puedeng maling relasyon, maling gawain o bisyo? Sawa kana? Alam ko sawa kana, kung hindi pa man alam ko, mag sasawa ka din, at kung sasagot ka pa din, alam ko naman hindi ka talaga masaya. Bakit?

Kasi ang mali at kasalanan, panandaliang saya lang ang kayang ibigay pero ang dulot namay pangmatagalang sakit, kalungkutan at kahungkagan sa buhay at maaring sa dulo, permanenteng kamatayan.

So anung gagawin mo kung hindi mo kayang turuan ang puso mo??

Maaring KALIGTASAN ng puso ang kailangan mo. Kaligtasang binigay ng Ama sa pamamagitan ng Kanyang Bugtong na Anak na si Jesus.

[ For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. John 3:161]

Tumawag ka sa Pangalan ni Jesus at ikaw ay maliligtas.

[For “Everyone who calls on the name of the LORD will be saved.” Romans 10:13]

If we confess our sins, He is faithful to forgive us. Sinabi Nya na ang ating mga kasalanan ay patatawarin Nya, at hindi lang basta pagpapatawad ang binibigay Nya, He will also purify us from all our unrighteousness.

[If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness. 1 John 1:19]

Sa Panginoon naguumpisa ang pagbabago, Sya ang nagbibigay ng bagong puso, pusong kayang sumunod at tumalima sa Kanyang mga utos, pusong kayang umasa at magtiwala sa Kanyang mga pangako.

Kung gusto mo ng kapahingahan at tagumpay sa buhay…hayaan mo sana na baguhin ka Nya.

God bless.

I really hope to see you in heaven!

– Wheng

One thought on ““Hindi Lahat ng Gusto ng Puso ay Tama.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.